News

Mini Library binuksan sa Brgy. Dalahican, Lungsod ng Lucena

Seryoso ang lokal na gobyerno ng lungsod ng lucena pagdatingsa programang pang edukasyon. Kaya naman isang proyekto ang ginawa ng Lucena Library na makakatulong sa mga kabataang mag aaral na makapagbasa ng libro na hindi na darayo pa sa malalayong aklatan. Ito ay ang proyektong munting aklatan sa barangay.

Sa unang pag kakataon, sa Brgy. Dalahican, Lungsod ng Lucena, katuwang ang pamahalaang panglungsod at City Library, nagbukas ng munting aklatan sa barangay ng sa gayon ay mailapit ang pagbabasa ng libro sa mga kabataang mag aaral at makatulong rin sa pag aaral ng mga kalapit pang Barangay.

Pin It on Pinterest