News

Most Wanted Person sa kasong Rape at Robbery, arestado ng Quezon PNP

Arestado ang dalawang Regional Level Most Wanted Persons sa kasong Rape at 2 counts of Rape sa inilatag na magkahiwalay na operasyon ng Tayabas PNP kasama ang RID 4A RIT Quezon, 1st at 3rd platoon ng 1st QPMFC sa Brgy. Wakas, sa Lungsod ng Lucena at General Nakar PNP kasama ang RIU at Quezon PIT sa Brgy. Miswa, Infanta, Quezon, nitong Miyerkules, October 12, 2022.

Ayon kay PCOL LEDON D MONTE, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, ganap na alas 3:56 ng hapon nang maaresto ang akusadong si Ronnie Palad Racelis, 34-anyos, at residente ng Barangay Angeles Zone 4 Tayabas City.

Ang pagkakadakip kay Ronnie ay inilatag sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Julieto Fabon Fabrero Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 168 Lucena City na inilabas noong October 11, 2022 na kung saan nagpapataw ng rekomendasyong walang pagpipiyansa para sa probisyonal na pansamantalang kalayaan.

Sa hiwalay na operasyon naman, tinukoy ni PCOL MONTE ang arestadong Most Wanted Person sa kasong (2) counts of Robbery sa isang Service of Warrant of Arrest Operation na si Daryl America, 20-anyos, residente ng Brgy. Minahan Norte, Gen. Nakar, Quezon.

Naaresto ang akusado batay sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Mariano V Balgua Jr, Presiding Judge, MTC Infanta-Gen. Nakar, Quezon na inilabas noong September 29, 2022 at nagpapataw ng halagang Php 18,000.00 sa pagpipiyansa para sa bawat kasong paglabag.

Sa imbestigasyon ng krimen, nangyari ang dalawang beses nang paglabag ng akusado noong buwan ng Agosto at Setyembre sa taong kasalukuyan sa nasasakupang lugar ng Brgy Minahan, General Nakar, Quezon.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Tayabas at General Nakar PNP Custodial Facilities para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.

Pin It on Pinterest