News

Motocross Competition sa General Nakar, Naging Matagumpay

Kasabay ng pagluluwag sa restriksyon kaugnay sa COVID-19 ang pagbabalik ng outdoor o extreme sports.

Hindi alintana ang sama ng panahon sa ginanap na FJ Moto MountainCross Series 2022: The Final Leg nitong Linggo sa bayan ng General Nakar, Quezon.

Aabot sa 215 ang mga sumali sa kompetisyon na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nahati ang mga lumahok sa magkakaibang kategorya ng karera tulad ng Adventure Class, Vinduro Class, Ladies Class, Veterans Class at iba pa.

Nagsimula ang programa sa ganap na 7:30 ng umaga at natapos sa paggagawad ng parangal sa mga nagwagi bandang alas-3 ng hapon. Hindi nagpahuli ang mga kalahok na nagmula mismo sa bayan ng General Nakar tulad ni Jeffward de Guzman na overall champion sa vinduro class at Leonardo Aveno, Jr. na nakuha ang unang pwesto sa All Reina Class category. Siniguro naman ng lokal na pamahalaan ang kaayusan ng kompetisyon at kaligtasan ng mga manlalaro at anila ang aktibidad ay bahagi ng pagpapasigla at pagsusulong ng Sustainable Green Tourism at Extreme Sports Adventure sa kanilang bayan.

Pin It on Pinterest