News

Mountain Search and Rescue Training, ginanap sa Dolores, Quezon

Nakiisa ang Municipal Risk Reduction and Management Office Emergency Response Team at mga Volunteers sa pangunguna ni MDRRMC Chairperson Mayor Orlan Calayag sa isinagawang Mountain Search and Rescue Training na ginanap kamakailan sa Brgy. Kinabuhayan, Dolores Quezon.

Dumalo din sa naturang pagsasanay ang Barangay Local Government Unit ng Kinabuhayan, 505 Auxillary, BFP Dolores, BDOC, Lucena Mountaineers, MDRRMO Sariaya, Move on Mountaineers, Sariaya Rescue Volunteers, SUMSOC, Tayabas Mountaineers, TREAT at Triskelion Order of Response.

Layunin ng naturang pagsasanay na mas mapalawig ang kaalaman ng mga dumalo tungkol sa mga gawain upang mas epektibong makatulong at makapagresponde kung sakaling hingin ng pagkakataon, kasama ang pagsisiguro ng kaligtasan ng mga rescuers.

Lubos naman ang pasasalamat ng ahensya sa BLGU Kinabuhayan, Kinabuhayan Elementary School, Ugnayan ng Mamumundok ng Bundok Banahaw at kay Josephine Barrion, DENR MBSCPL- Protected Area Superintendent.

Pin It on Pinterest