Mulanay LGU, nakiisa sa 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill
Isang malakas at mahabang hiyaw ng sirena ang naging hudyat ng pagsisimula ng National Simultaneous Earthquake Drill para sa unang quarter na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Mulanay, Quezon nitong Huwebes ng hapon, March 9.
Pinangunahan ng Tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management ang pagsasanay na ito na layong mabawasan ang casualties dahil walang mga pamamaraan upang malaman kung kailan magaganap ang paglindol.
Isa-isang naglabasan sa gusali ang mga empleyado at personnel na naka-duck, cover at hold.
Matapos nito ay aktuwal at makatotohanan na isinagawa ang rescue operations ng MDRRMO, BFP, PNP at RHU sa municipal building na kunwari ay may na-trap sa loob ng mga gusali nang sagayon ay matukoy ang mga posibleng pagkukulang at magrekomenda ng mga kinakailangang pagpapahusay sa kasalukuyang mga plano, patakaran at pamamaraan para sa pagtugon sa lindol.
Kusunod nito, isinagawa naman ang head count, assessment ng building sa pangunguna ng Municipal Engineering Office para magbigay ng abiso sa mga opisina kung maaari nang bumalik sa kanilang mga tanggapan at magpatuloy sa kani-kanilang mga gawaina
Ayon sa Mulanay MDRMMO, mas paiigtingin pa ang ganitong ehersisyo upang masigurong ang lahat ng mga Mulanayin ay may sapat na kaalaman upnag maging handa at ligtas sa mga hindi inaasahang sakuna.