Natatanging Anak ng Lucena pinarangalan
Pinarangalan ang mga natatanging mamamayan ng lungsod ng Lucena na nakapag-ambag ng kanilang angking galing at talino sa iba’t-ibang larangan sa isinagawang Araw ng Pagpaparangal na bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Lucena ngayong 2017. Isang mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Lucena 2017 ay ang pagpili at pagkilala sa mga Natatanging Anak ng Lucena. Ang mga napiling indibidwal ay ibinuhos ang kanilang sarili upang maiangat ang antas ng iba’t-ibang sektor ng lipunan sa sektor ng kalusugan, edukasyon, sining at kultura, sports, agrikultura, serbisyong pampubliko, relihiyon at iba pa.
Binigyang parangal sina Rebecca Villanueva para sa Public Service, Nelly Llave Seranilla sa Community Service, Joel Boragay sa Performing Arts, Armando Remojo sa Arts and Fashion Design. Noelle Conchita Corazon Mañalac sa sports, kinilala din para sa Entrepreneur, Trade and Industry si Ma. Nova Veluz, Teresita Lamara para sa sektor ng relihiyon, Engr. Lucila Clamor sa professional category at ang namayapang si Wilfredo Asilo na nagsilbi bilang konsehal at guro noon para sa posthumous award sa Government Service at Edukasyon.
Ginanap ang aktibidad sa Queen Margarette Hotel sa Brgy. Domoit kasabay ng ika-56 taong selebrasyon ng Araw ng Lucena.