News

Natatanging anak ng Pagbilao pinarangalan na

Pinarangalan ngayong araw, August 29, 2017 ang apat na natatanging anak ng Pagbilao at sampung Outstanding business tax payers ng bayan. Isinagawa ang okasyon sa Sentrong Pangkabuhayan Auditorium sa bayan ng Pagbilao. Pinarangalan si Tyronne Exequiel Flores mula sa Brgy. Ikirin sa kategorya ng isports. Si Flores ay three time Palarong Pambansa Gold Medalist mula 2015 hanggang 2017 at hinirang ding Best Thrower sa Shot Put. Sa Arts naman ay kinilala ng Pagbilao si Limuel Vilela ng Brgy. Del Carmen. Si Vilela ay 2016 Mr. Pacific World Copper, kinikilala rin ito na Top 1 na restaurang manager sa Canada at isa sa Top 100 Ultimate Guys ng isang sikat na magazine na nakabase sa New York, USA. Para sa Academics and leadership ay binigyang parangal si Chris John Cañarez. Mula sa Brgy. Mapagong, champion ito ng hindi isa kundi apat na mathematics quiz championships at tumanggap din ng Claro M. Recto Galing Mag-aaral Award ngayong taon. Hinirang ding Natatanging Anak ng Pagbilao para sa Visual Arts si Virgilio Portes, mas kilala bilang Direk Gil sa industriya. Kinilala ito dahil sa ambag niyang galing at talento sa industriya ng pelikula. Isa sa mga nakilalang pelikula nito ay ang Mga Munting Tinig at tumanggap ng ding direktor ng hindi na mabilang na papuri hindi lamang sa Pilipinas, maging sa ibang bansa.

 

Kinilala rin samantala ng Pamahalaang Bayan ng Pagbilao ang mga kumpanya at negosyanteng naka-base sa bayan. Sampung kumpanya at sampung negosyong pag-aari ng isang inidibidwal ang pinarangalan dahil sa nai-ambag na pag-unlad ng mga ito sa bayan.

Pin It on Pinterest