Oil Price Adjustment tila nakakaloko raw sa mga Tsuper
Pakiramdam ng Jeepney Driver na si Darwin na parang niloloko nalang daw sila ng mga kumpanya ng langis sa nangyayaring oil price adjustment.
Kung bumaba raw kasi ang presyo ng produktong petrolyo ay kung magkano lamang, kung tumaas naman ay malakihan.
‘’Sobra pa sa doble ang taas nila parang nanloloko na laang parang niloloko na lang ang mga tsuper,’’ Sabi ng tsuper na si Darwin
Ganito rin ang sentimyento ng tsuper na si Mamang Alvin sabi niya kapag tumaas ang presyo higit pa sa doble, kung bumababa naman sentimo lamang.
“Yoon nga ang masakit e, parang niloloko na tayo ng gobyerno, e paano pagbumaba centavos kapag tumaas naman e piso, triple-triple paano naman ‘yung namamasadang tulad naming napakabigat sa amin,’’Ayon kay Mamang Alvin na isang tsuper
Bunso ito ng panibagong bigtime oil price hike.
Simula kaninang umaga [Oktubre 11, 2022] maraming kompanya ng langis ang nagtaas ng higit anim na piso sa kada litro ng diesel, higit 1 piso naman ang itinaas sa gasolina.
Sabi ng ilang Tsuper sa Lucena City wala ring saysay ang dagdag singil sa pasahe sa mga pambulikong sasakyan, bukod kasi sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, marami sa mga jeepney driver sa lungsod ang wala pang fare matrix dahilan upang hindi pa sila makapaningil ng dagdag pasahe – dagdag gastos rin daw ang pakuha nito.
‘’Bababa tapos bigla namang tataas ng malaki, kagaya niyan yung tumaas ang pamasahe hindi kami makapagtaas wala kaming taripa inaasikaso pa e magbabayad din dagdag pa sa kagastusan,’’ang sabi ni driver na si Jonathan