News

Oil price hike, pinangangambahang magsunod-sunod

Matapos ang ilang magkakasunod na rollback, nagpatupad na muli ang ilang kompanya ng langis ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo kaninang umaga December 20, 2022.

Ang hirit ng maraming jeepney driver na sana ay maibaba pa ang presyo ng krudo, hindi raw mapakingan ito at may pagtaas na naman sa presyo.

“Parang walang pagbabago. Nagbaba nga sila pero parang bumabalik ulit sa P80,” saad ng isang jeepney driver.

Sabi pa ng ilang tsuper, hindi malabong maging sunod-sunod na naman ang mangyayaring taas presyong ito. Mas malaki raw ang itinataas sa presyo kaysa sa ibinababa.

“Biglang bababa tapos tataas na naman nang malaki”.

“Pagtaas naman ay sobra pa ang piso, triple-triple”.

Kapag mangyaring sunod-sunod na naman ang oil price hike, talo naman daw sila sa maghapong pamamasada.

Mahigit P1 ang itinaas sa presyo ng gasolina, kulang P3 naman ang dagdag-presyo sa diesel ng maraming kompanya ng langis.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nagkaroon ng dagdag-presyo dahil umakyat ang presyo sa world market dulot ng embargo ng European Union sa Russian oil at price cap sa Russian crude oil.

Naging dahilan din umano sa pagtaas ng presyo ang pagluluwag sa China na posibleng magpataas na naman ng worldwide demand sa langis.

Pin It on Pinterest