Online Nanay para makatulong sa pag-aaral ng mga bata, pina -plano na sa Pagbilao
Pinaplano na ng bayan ng Pagbilao na maglagay ng isang programa para sa mga magulang at mag-aaral ng munisipalidad na makakatulong sa kanilang edukasyon. Ayon kay Pagbilao Mayor Shierre Ann Palicpic, may inisyal na pangalang Online Nanay ang nais nilang ilunsad na programa. Sa dalawang districo ng Pagbilao sa edukasyon ay balak na maglagay ng lima hanggang sampung computer units na may nakatalagang guro upang sumagot sa mga katanungan ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Pero hindi pa raw ito pinal at nasa drawing board pa lamang.
Sa pammagitan daw nito ayon kay Palicpic ay dalawa ang magiging grupo na makakatuwang ng mga mag-aaral ng Pagbilao. Ang isa ay ang mga umiikot sa mga barangay samantalang sa mga lugar na malakas o mabilis ang internet connection ay maaaring gamitin ang binabalak nilang online program para sa mga ito.