Operatiba ng Quezon Maritime PNP, Babanggain ng Malaking Fishing Vessel sa Lamon Bay
Kung hindi raw nakaatras at nakaiwas ang kanilang bangkang sinasakyan tiyak sapol ang operatiba ng Quezon Maritime Police ng isang fishing vessel sa Lamon Bay matapos silang tumbukin nito ng kanilang lapitan upang sana ay hulihin sa iligal na pangingisda.
Sakay pa naman ng bangka at kasama sa ginawang seabourn patrol noong araw na iyon ang bise Alkade ng Polillo Quezon.
“Yung mga iligalista pa ang mambabangga,’’ sabi ni Polillo Vice Mayor Loel Santoalla.
Makikita sa cellphone video na kuha ng Quezon Maritime PNP ang aktuwal na seabourn patrol noong umaga ng March 15, 2023 sa karagatang sakop ng Barangay Kalubakis Polillo, Quezon na nilalapitan nila sakay ng isang bangka ang isang malaking fishing vessel na tinatawag na buli-buli na nagsasagawa ng iligal na operasyon ng pangingisda maririnig sa video ang sigaw na “atras”.
‘’Atras!”
Bagamat hindi nakita sa video, sabi ni Pcapt. Benito Siddayao ang Chief Officer ng Quezon Maritime Police na kasama mismo sa operasyon, konti nalang daw at masasapol na sila ng palakayang higit sa doble ang laki sa bangkang sinasakyan nila, intensyon daw talaga na sila ay banggain.
‘’Muntik pa tayong banggain.”
‘’Kasama naming ang Vice Mayor ng Polillo ganoon din yung bantay dagat nagconduct kami ng seabourn patrol doon sa Lamon Bay kung saan namataan namin yung buli-buli kung saan lalapitan sana na magpakilala kaming pulis para hulihin o kausapin, ginawa nila nagmamadali silang putulin yung kanilang lambat at diretso kaming salubungin para banggain mabuti nalang yung aming bantay dagat na kapitan ng bangka naiatras, kung hindi naiatras ay sigurado ay dale kaming lahat,” ayon kay Pcapt. Benito Siddayao ng Chief Officer ng Quezon Maritime Police.
Mabalis na nakalayo ang naturang fishing vessel dahil sa laki ng mga alon hindi na nila ito tuluyan pang hinabol.
‘’Kasi paharap sila hindi na kami nakabaliko para habulin at napakabilis ng kanilang sasakyan at sobrang alon, sobrang lakas ng alon yung naman ang pagkakataon nila para magconduct ng illegal fishing activity,’’sabi ni Pcapt. Benito Siddayao ng Chief Officer ng Quezon Maritime Police.
Bago ang isinagawang operasyon sa naturang karagatan, una ng humihingi ng assistance si Polillo Vice Mayor Loel Santoalla sa Quezon Maritime PNP, personal itong dumalog sa tanggapan hinggil sa nangyayaring Destructive Fishing o iligal na pangingisda ng malalaking palakaya o buli-buli sa kanilang Municipal Water na labag raw sa itinatadhana ng batas.
Ang usapin ng iligal fishing sa inner Lamoy Bay ay nadala kamakailan sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa ilalalim ng Agriculture Committee na pinamumunan ni Bokal Angelo Eduarte, nagkaroon ng mga pagdinig dito kasama ang iba’t ibang konsernadong ahensya upang pagusapan kung paano ito masasawata.
Samanatala, sinabi Police Captain Siddayao sa kabila ng nangyari kulang man sila sa kagamitang pandagat na kayang humabol sa malalaking palakaya sa gitna ng maalong karagatan patuloy raw silang magsasawa ng mga seabourn patrol sa bahagi ng Lamon Bay.