News

Opisyal ng Quezon PNP, Ipatatawag hinggil sa Sunod-sunod na insidente ng pamamaril

Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon upang maipatawag ang pamunuan ng Quezon Police Provincial Office hinggil sa sunod-sunod na insidente ng pamamaril ng riding in tandem suspect sa ilang lugar sa Quezon Province.

Ito ay itinukoy sa Committee on Peace on Order na pinamumunuan ni 4th district district Board Member Derick Magbuhos.

Sa susunod na Lunes, May 22, 2023, nakatakdang ipatawag sa committee hearing ang Provincial Director ng Quezon PNP upang tanungin sa mga nangyayaring shooting incident na ikinasawi ng ilang biktima. Hanggang sa ngayon kasi ay wala pang malinaw na resulta sa imbestigasyon sa mga insidenteng ito

Ang imbitasyon sa mga opisyal ng kapulisan ng lalawigan ay iminungkahi ni 2nd district Board Memeber Ferdinand ‘Bong’ Talabong sa other matters, umaga ng Lunes May 15, 2023, sa isinagawang regular na session ng SP Quezon. Lubha na raw nakakabahala sa publiko ang sunod-sunod na pangyayaring ito marapat lang umano malaman ng mamamayan ang ginagawang hakbang ng pulisya patungkol dito.

Matatandan na sa Lucena City noong nakaraang lingo, tatlong sunod na araw ang nangyaring insidente ng pamamaril kung saan tatlo ang patay at 2 ang sugatan.

Noong umaga ng May 9, 2023, patay ang mag-ama sa Barangay Mayao Castillo nang pagbabarilin ng riding in tandem. Nadamay lamang ang 12-anyos na batang babae na ihahatid lang sana sa eskwelahan ng kanyang ama.

Kinabukasan, May 10, pasado alas siyete ng umaga sa Barangay Isabang, isang 48-anyos na lalaki rin ang pinatay ng de motorsiklong salirin habang papauwi sa kanilang tahanan.

Gabi ng May 11, sugatan ang dalawang lalaki sa Barangay Ibabang Iyam nang pagbabarilin din ng riding in tandem.

Ang mga suspect ay nanatiling at-large o hindi pa nahuhuli. Sa mga insidenteng ito, wala pang statement sa kasalukuyan ang hepe ng Lucena PNP.

Sa bayan ng Tiaong Quezon, hapon ng May 11 noong nakaraang Huwebes, sugatan ang mag-asawa sa Sitio Centro, Brgy. Del Rosario nang pagbabarilin din ng riding in tandem habang sakay ng tricycle kung saan nakatakas ang mga salarin.

Pin It on Pinterest