OWWA-on-Wheels, aarangkada sa bayan ng General Nakar
Aarangkada na ang OWWA-on-Wheels ng Overseas Workers Welfare Administration sa bayan ng General Nakar upang mailapit sa mga Nakarin ang kanilang mga programa at serbisyo.
Magsadya lamang sa ikatlong palapag ng munisipyo sa darating na Martes, ika-22 ng Nobyembre, 2022, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ito ay upang malaman ang mga serbisyong nakalaan para sa inyo kagaya ng Scholarship Programs, Livelihood Programs, Social Benefits at Welfare Services.
Ang mga dadalo naman ay pinapaalalahanan na magdala ng passport para sa mga OFWs at valid ID, copy ng OFW’s ID o passport at proof of relationship para sa immediate family ng OFW.
Ang aktibidad na ito ay isasagawa ng OWWA Region IV-A sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng General Nakar, sa pamamagitan ng Tanggapan ni Punong Bayan, Kgg. Esee Ruzol at ng Public Employment Service Office – General Nakar, Quezon.
Pinapaalala naman ng pamunuan ang palagiang pagsuot ng face mask, pagsunod sa safety and health protocols at inirerekomenda rin ang pagdadala ng sariling ballpen.