P17.5 M – P22.5 M, nakalaan para sa infra projects sa Brgy. Mayao Castillo sa 2023
Ilan daw sa mga plano pang proyekto’t programa ni Kapitan Jun Garcia ng Barangay Mayao Castillo sa Lungsod ng Lucena para sa taong 2023 hanggang 2025 ng kanilang Barangay Development Plan ay karamihan dito ay gawaing pambarangay o infrastructure project.
Ayon kay Garcia, kabilang sa naturang development plan ng barangay ay concreting of roads at maging multi-purpose ang kanilang covered court upang magsilbing evacuation center tuwing may kalamidad.
“Bumalangkas ulit ako ngayon for 2023, 2024 at 2025, 3-years plan ng Barangay Mayao Castillo. So ‘yung 2023 gusto ko lahat ng rough road ng Brgy. Mayao Castillo ay makongkreto na at itong aming covered court ay hindi naman pwedeng pag-evacuatan kasi wala nga siyang dingding, wala siyang CR so kasama ‘yon sa plano ko by 2023 na maayos itong multi-purpose covered court,” ani Garcia.
Aniya, aabot daw sa P17.5M hanggang P22.5M ang pondo para sa infrastructure project sa susunod na taon na mula sa City Fund at Congressional Fund.
“Possible sa akin hindi naman sa pag-aano, siguro worth P17.5M – P22.5M ‘yung darating sa akin na sa City ay ating minamahal na Punong Lungsod, P5M; sa ating minamahal na Konsehal na Nick Pedro, P1M; sa Konsehal Patrick Nadera, P1M; kay Konsehal Noche, P1M then kay Konsehal Ayan Alcala, P3M; kay Baste ay P3.5M, so ‘pag naconsolidate ‘yung… medyo malalaki rin kay Congressman meron din tayo eh,” sabi ni Garcia.
Makakaasa raw ang mga residente na patuloy ang kanilang serbisyo-publiko para sa higit na pag-unlad ng Barangay Mayao Castillo.