News

Pag-Ibig Fund mas pinababa ang interest rate sa pabahay

Mas pinababa ng Home Mutual Development Fund (HMDF) o PAG-IBIG Fund ang interest rate sa housing loan upang mas mapakinabangan ng mga kasapi nito. Sinabi ni Gordon Jader, housing relationship officer ng PAG-IBIG Fund, na ang lahat ng mga kasapi ng PAG-IBIG Fund na may sahod na P12,000.00 pababa kada-buwan ay maaring makahiram ng pagpapagawa ng bahay na may interest rate na 4.5 percent kada-taon at babayaran sa loob ng 30 taon

Ang mga sumasahod naman ng P14,000.00 pababa na hihiram ng pera para sa pagpapatayo ng bahay ay lalaanan ng 6.7 percent rate kada-taon at babayaran din sa loob ng 30 taon. Mayroon ding 10 years fixing period ang mga loans, habang ang regular loan sa pagpapabahay naman ay may 3 taon lamang at maaaring mabago ang interest rate sa loob ng 3 taon.

Pin It on Pinterest