Pag-pigil sa land reclassification sa Mauban suportado ng buong Sanggunian -2ND Dist. BM Bong Talabong
Suportado ng Sangguniang Panlalawigan ang ginagawang aksyon nila 2nd District Board Member Bong Talabong sa pag-i-imbestiga sa ipinasang ordinansa ng bayan ng Mauban na nagre-reclassify sa halos dalawang libong lupaing sakop nito mula agricultural patungong industrial land. Ayon kay Talabaong maging si Sangguniang Panlalawigan Majority Floor Leader Sonny Ubana ay suportado ang aksyon. Ang argumento naman samantala ayon pa rin kay Talabong ng kumpanyang nais maglagay ng industrial park sa bahagi ng Mauban ay nag-lapse na o tapos na ang period para i-review ng SP Quezon ang ipinasang batas o ordinansa ng bayan ng Mauban. Ang argumento naman samantala nila Bokal Talabong ay exception sa general rule for review ang kanilang aksyon dahil patuloy anya ang isinasagawang imbestigaasyon ng Sangguniang Panlalawigan ukol sa land conversion sa bahagi ng bayan ng Mauban.
Iginiit pa ni Bokal Talabong na base anya sa kanilang pagsasaliksik ay nangyayari lamang anya na magiging epektibo o aprubado ang isang batas o ordinansa kung walang imbestigasyon ukol dito. Ang gusto anyang mangyari ni mga abugado ng kumpanya ay deemed approved na ang ordinansa ng Mauban ay hindi na makialam ang Sangguniang Panlalawigan ng Quezon. Hindi anya ganito ang mangyayari ayon kay Talabong dahil mayroon pang kasalukuyang imbestigasyon.
Kaugnay pa rin ng balak na itayong industrial park ng Achievement Realty Corporation ang usapin. Bukod sa inaasahang mga kumpanyang maglalagay ng kani-kanilang pasilidad ay may nakalaan ding halos 200 ektaryang lupain para pagtayuan naman ng pasilidad ng pamahalaan. Kung matutuloy ay magkakaroon umano ng makabagong pantalan at airport sa lugar at magke-create ito ng trabaho para sa mga taga-lalawigan ng Quezon.