Pagbabalik-biyahe ng bus na Dolores-Manila, aprubado na
Inaprubahan na ng Sangguniang Bayan ng Dolores, Quezon ang isang resolusyon para sa pagbabalik ng biyahe ng isang bus company patungong Manila.
Ayon sa local government ng Dolores, layon ng pambayang resolusyon na mapadali ang biyahe ng mga luluwas pa-Maynila, makapagbukas ng mas malawak na komersyo at mas maging mabilis ang pagpunta ng mga turista sa kanilang bayan.
Sa ngayon ay inaayos pa anila ang mga iskedyul ng biyahe ng naturang bus company, kasama ang iba pang mahahalagang aspeto kaugnay dito.
Nilinaw din ng LGU na ang maisasakay muna sa mga paunang biyahe ay mga pasaherong diretso sa LRT/Buendia lamang at ipapatupad dito ang first come, first serve basis.
Dagdag pa ng lokal na pamahalaan, may kabuuang 43-45 pasahero ang maaaring isakay sa isang bus at gagamit dito ng cashless transaction sa pagbabayad ng pamasahe sa pamamagitan ng Tripko Card.