News

Pagbabawal sa Pagbebenta ng mga Gamot sa mga Sari-sari Store, Hindi Pabor ang Ilan

Ang mga gamot na nabibili over-the-counter sa mga botika, mabibili rin sa sari-sari store ni Catherine. Kailangan daw n’ya kasing magbenta nito lalo’t ang kanilang lugar ay malayo sa kabayanan kung saan may mga botika.

“Eh ano kasi, ‘pag sa bayan mamamasahe pa sila, lalayo sila, lalo ‘pag gabi wala ka nang masakyan,” phayag ni Catherine.

Ang ilang mamimili sa kanilang lugar sa malapit na sari-sari store na bumibili ng mga gamot sa mga nararamadang sakit lalo’t kung mga pain reliever lamang at sa karaniwang lagnat at ubo.

“Kapag nilalagnat, dito kalimitan (bumibili) kapag inuubo, sa sari-sari store,” sabi ni Edith.

“Malayo ang bilihan, malayo kami sa bayan eh,” pahayag ng isang mamimili.

Nanawagan ng Food and Drug Administration (FDA) na ipagbawal ang mga sari-sari store na magbenta ng gamut. Una nang hinimok ng FDA na magpasa ng ordinansa ang Local Government Unit (LGU) kaugnay rito upang maiwasan ang pagbenta ng mga pekeng gamot.

Ang ilang mamimili na malayo sa kabayanan at kailangan pang mamasahe sa pagbili ng gamot sa botika tila medyo hindi sang-ayon dito, lalo’t kung ang bibilhing gamot lang naman ay iilan pang-ampat lamang sa ordinaryong karamdaman.

“Kasi paano kung bigla rin naman na walang pamasahe, bibili pa ng malayo. Kung iisang biogesic ang bibilhin ko, paano ‘yun?,” saad ni Edith.

Ang ilang may-ari ng sari-sari store gaya ni Catherine, sinabing ang kanilang ibinibentang mga gamot ay hindi naman mapepeke kasi sa mga drug store din naman daw sila bumibili ng suplay at sa ilang ahente ng gamot. Hindi siya pabor dito, kung kinakailang daw nilang kumuha ng permit para sa pagbebenta ng gamot ay gagawin niya, alang-alang sa mga mamimili.

“Paano ‘pag ipagbabawal? Paano ‘yung walang kakayahan pumunta sa bayan? Kailangan pa talagang pumunta ng bayan para doon bumili? Paano kapag kailangang-kailangan, tapos wala kang mauutusan, walang kang masasakyan di ba?,” tanong ni Catherine.

Samantala, kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na 99 percent ng mga sari-sari store sa bansa ay walang lisensya upang magbenta ng gamot. Sinabi ito ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa sa isang panayam kaugnay sa panawagan ng FDA. Ayon kay Castelo, awtomatikong bawal magbenta ng gamot ang mga retailers na walang license to operate as a pharmacy at license to distribute medicine na iniisyu ng FDA dahil may batas ang ahensya para rito.

Pin It on Pinterest