Pagbilao Mayor Shierre Ann Palicpic awardee ng Sonia Lorenzo Awards
Isa sa limang finalist na hinirang si Pagbilao, Quezon Mayor Shierre Ann Palicpic sa katatapos lamang na 2nd Sonia Lorenzo Awards for Women in Leadership and Good Governance. Isinagawa ang awarding ceremony sa Club Filipino sa Lugsod ng San Juan sa Metro Manila. Napili si Palicpic sa 35 limang iba pang alkalde ng iba’t ibang bayan at lungsod sa buong bansa. Kabilang naman sa bumubo ng panel na pumipili sa mga finalist ay mga opisyal ng pamahalaan, mga lingkod bayan, mga abugado at iba’t ibang representante ng pribadong sektor. Inorganisa ng Unibersidad ng Sto. Tomas at ng Kaya Natin Movement.
Ilan sa mga kwalipikasyon para maging nominado sa award ay dapat na incumbent na babaeng alkalde, may tatlong taon nang naninilbihan sa pamahalaan at hindi pa nasasampahan ng kaso o nasasangkot sa katiwalian. Kabilang din sa criteria upang mapili sa award at Leadership experience, Community Service, Good governance Promotion at women empowerment.
Si Sonia Lorenzo kung kanino nakapangalan ang award ay dating alkalde ng San Isidro, Nueva Ecija na nagpakita ng magaling at etikong pamumuno sa kanyang bayan. Mula sa fifth class municipality na mayroong halos tatlong milyong income ay napaangat nito ang kanyang bayan sa 2nd class municipality na ngayon ay mayroong income na 18 hanggang 20 million. Pumanaw si Lorenzo noong Hulyo ng 2014 dahil sa cancer pero nanatili ang legasiya ng lady mayor hanggang sa ngayon.