News

Pagbilao, Quezon awardee ng Gawad Kaagapay

Tumanggap muli ng Gawad Kaagapay award ang pamahalaang bayan ng Pagbilao sa Lalawigan ng Quezon. Ito na ang ikaapat na award na tinanggap ng lokal na pamahalaan na mula sa Deparment of Education – Division of Quezon. Ibinibigay ang award sa mga grupo, lokal na pamahalaan, indibidwal o mga negosyo/negosyante na malaki ang naia-ambag sa sektor ng edukasyon. Matapos masuri kung nakapasa sa panuntunan ng award ay bibigyan ng rekognisyon ang mga ito na nagpapatunay na sila ay kapartner at kaagapay ng sektor ng edukasyon upang mapaangat ang antas ng pagtuturo o kapakanan ng mga estudyante.

Bukod sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Pagbilao, tumanggap din ng Gawad Kaagapay award ang Pagbilao National High School FEA, Talipan National High School PTA 2017, Team Energy Foundation, Inc., at Aboitiz Power. Ang pamahalaang bayan ng Pagbilao ay tumanggap na ng kaparehong award mula 2014 hanggang ngayong 2017.

Pin It on Pinterest