News

Pagdiriwang ng Kapyestahan ni San Raphael Archangel sa Barangay Dalahican kasado na!

Isang malaking selebrasyon ang matutunghayan muli ng mga residente sa Barangay Dalahican sa Lungsod ng Lucena sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Raphael Archangel sa lugar.

Kasado na ang mga isasagawang aktibidad na magsisimula sa ika-18 ng Oktubre para sa pitong araw na pagdiriwang ng kapistahan ni San Raphael Archangel sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain na pangungunahan ng Pamahalaang Pambarangay ng Dalahican sa pamumuno ni Kapitan Roderick Macinas at ni SK Chairman Rafael Echano.

Ayon kay Macinas, nakahanay na ang mga aktibidad kung saan tatagal ito sa loob ng isang linggong pagdiriwang.

“So mag-sstart po tayo from October 18 – 24 so yan po yung mga activity na nakaline-up po sa atin so madami po tayo everynight, everyday meron po tayong mga activities”. Ani Macinas.

Aniya, highlights sa pagdiriwang ay ang Thanks giving mass, grand parade opening, miss gay costume, dance contest, Bb. SK, talent competition, Chess and Dama Competition, battle of the band, gandang super mom, Bb. Mommy, fun bike, motor show, at purok nights.

Ang nasabing kapistahan ay ang mga pinakatampok na pagdiriwang sa paggunita sa kapistahan ng patron nito na si San Raphael Archangel.

Ang nasabing selebrasyon ay magtatapos sa araw ng kapistahan ng Barangay Dalahican sa October 24, 2022.

Pin It on Pinterest