News

Paggunita ng Undas sa New Public Cemetery sa Market View, Mapayapa

Walang ano mang krimen ang naitala sa paggunita ng Undas sa New Public Cemetery ng Lucena City sa Barangay Market View.

Walang napaulat sa barangay at sa help desk ng kapulisan ng ano mang untoward incident. Generally peaceful daw ang naging paggunita ng Araw ng mga Patay noong November 1 sa naturang pampublikong sementeryo sa tulong na rin ng mga iba’t ibang Force Multiplier.

Wala rin silang nakumpiskang mga bagay na ipingbabawal na ipasok sa loob ng himlayan.

Sa tala ng mga awtoridad, higit siyam na libo katao ang tumungo kahapon sa sementeryo na dumalaw sa mga kaanak na yumao sa New Public Cemetery.

Mahigit sa kalahati ng bilang ang dumagsa pasado alas 3:00 ng hapon, dito mas pinagting ang pagbabantay sa kaligtasan ng mga tao sa loob.

“Naging mapayapa naman po ang pagsasagawa po ng Undas natin sa tulong din ng ating mga Force Multiplier, wala naman po kaming nakumpiska kahit napakadami ng mga tao napakamasunurin po naman ng mga tao,” sabi ni PMSG. Valeña Marivic Gambao.

Sabi ng kapitan barangay, pinahandaan nila ang pagdiriwang na ito upang masiguro ang kapayapaan sa sementeryong kanilang nasasakupan nang sa ganoon ay matiyak ang seguridad ng mga taong magtutungo hanggang sa November 4 ang gagawing pagbabantay sa lugar.

“Dahil sa different effort of local and national government offices generally peacefull po, any untoward incident wala pong reported at ito ay babantayan po ng personnel natin until November 4,” ayon kay Kapitan Edwin Napule.

Sinabi ni Kapitan Edwin Napule, matapos ang dagsa ng mga tao kaagad raw silang nagpalinis para sa mga naiwang basura sa sementeryo.

“Makikita n’yo malinis ‘yan sapagkat nag-deploy po tayo ng extra personnel na agaran po nilang wawalisin ang kalat,” dagdag pa ni Napule.

Samantala, ngayong November 2, may mga dumadalaw pa rin sa mga kaanak na yamao sa naturang sementeryo. Kabilang dito si Rosa May na kasa-kasama ang kanyang mga maliliit na anak, mas piniling magpabukas upang hindi makisabay sa maraming tao na umuwi pa galing Mindoro.

“Bago po kami lumuwas, nagbakasyon lang para dalawin ang lolo at lola, ngayon kayo pumunta? Para walang masyadong tao at hindi siksikan,” sabi ni Rosa May.

Mananatili dito ang mga kapulisan para sa pagbabantay hanggang sa November 4, 2022.

Pin It on Pinterest