Paggunita sa Semana Santa, ‘generally peaceful’- Lucena PNP
Naging maayos at payapa ang paggunita ng Semana Santa sa buong Lungsod ng Lucena.
Ayon kay PMAJ Hobert Sarmiento, ang Deputy Chief of Police ng Lucena City Police Station, wala rin naitalang pagtaas ng eight focus crimes katulad ng theft, rape, robbery, physical injury, murder, homicide, carnapping ng motorsiklo at ibang sasakyan.
“Ito pong semana santa natin, holy week po natin wala po tayong nangyaring significant incident dito napaka ganda po masasabi po nating generally peaceful po ang nangyaring pagpapatupad po natin dito sa Semana Santa peaceful po.”
Sinabi ni Sarmiento nasa 85% ng kanilang pwersa ang idineploy sa iba’t ibang lugar ng lungsod upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paggunita ng Semana Santa.
“Dito po sa pamamahala po sa sumvac within the duration of Holy Week marami po tayong isinagawa sa kabuuan po ng holy week na ito sinunod po namin yung aming deployment plan 85% po yung amin at 15% po yung personnel po sa station.”
Kaugnay nito, mananatili silang naka-heightened alert hanggang ngayong araw ng Lunes.