News

Paghuhukay para sa maintinance and repair ng PrimeWater, hindi dapat iniiwan na nakatiwangwang

Dapat daw ay hindi iniiwanang nakatiwangwang at walang takip ang mga hindi pa natatapos o ang mga ginagawang maintinance and repair ng PrimeWater sa mga lansangan.

Sabi ng ilan, lubha raw itong delikado, disgarya ang maaaring dulot nito lalo sa gabi.

“Matagal na po itong butas eh, delikado po. Hindi lang haring, dapat ay sarado ‘yan”.

Ang mga bagay na ito ay reklamo rin ng ilang netizen, maging ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa naging public hearing kamakailan sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon patungkol sa reklamno ng marami sa hindi maayos na serbisyo ng tubig ng PrimeWater Quezon Metro sa kanilang mga consumer sa Lucena City at iba pang lugar, bukod sa problema sa malinis na tubig, sabi ni 1st District Board Member Julius Luces dapat tutukan din ng naturang water company ang mga bagay na ito.

Hindi lang maayos na serbisyo sa patubig ang dapat ang aksyunan, maging ang maraming reklamo hinggil sa paghuhukay para sa pagsasaayos ng kanilang mga tubo. Sabi ni Luces, dapat isaalang-alang ang kaligtasan ng publiko bunsod ito ng marami ring reklamo.

Ayon sa pamunuan ng PrimeWater sa mga repair and maintenance, may tamang standard ang kanilang kompaya sa mga bagay na ito, pero sabi ng pamunuan patuloy nilang kakausapin ang kanilang mga contractor tungkol dito.

Ayon kay Bokal Luces, mukhang hindi nasusunod ng mga contractor ng PrimeWater ang safety standard ng mga ginagawang paghuhukay ng mga ito para sa maintenance and repair, bagay na dapat tutukan.

Iminungkahi rin ng nasabing board member ang pagkakaroon ng maayos na costumer service ng naturang kompanya para sa mga reklamo at hinaing ng kanilang mga consumer.

Pin It on Pinterest