Pagiging Makatao, Nangingibabaw na Core Values sa mga Mag-aaral sa Lungsod ng Lucena
Pagiging makatao ang most dominant core values ng mga mag-aaral sa Lungsod ng Lucena, base sa isinagawang pag-aaral ng DepEd Lucena.
Sinabi ni Lucena City Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban na bumuo sila ng research upang mapalakas ang values education at matukoy kung ano ang pinapahalagahan ng mga Lucenahin pagdating sa pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa dahil bawat isa ay may pinapahalagahan.
Lumabas nga sa pag-aaral na ang pagiging Makatao ang nangingibabaw na core values sa mga Lucenahin, ayon kay Education Program Supervisor Jaime Lacerna.
“Sa gathered data ng core values ng Lucenahin learners ay tumutukoy sa pagiging Makatao.’Yun po ang most dominant core values na lumabas sa mga learners,” sabi ni Lacerna.
Dagdag pa ni Lacerna na natukoy din sa research na ang isa sa mga factors na nakakaapekto sa pag-develop ng mga core values ay ang teknolohiya gaya ng paggamit ng mga gadgets at social media kung saan karamihan sa mga kabataan ay dito nakatutok. Gagamitin anila ang mga naging resulta sa research na ito sa pag-implement ng kanilang mga programa tulad ng Project Revive na magtataguyod at magpapagting ng values education ng mga mag-aaral sa Lungsod ng Lucena.