News

Pagiging theme park, pangmatagalang layunin ng Pasayahan Village

Hinahangad ng Lucena City na magkaroon ng theme park bilang isa sa kanilang mga atraksyon.

Ayon kay City Tourism Officer Arween Flores, ito ang long term goal o pangmatagalang layunin ng ilulunsad na Pasayahan Village.

“That’s precisely the long-term objective of this Pasayahan Village. We are looking at na baka sa pagdating ng panahon ay maging theme park na ito,” sabi ni Flores.

Pinag-aaralan daw ng executive committee at administration ng Pasayahan Village na kapag naging maganda ang pagtanggap ng publiko dito ay maging permanente na itong istruktura sa lungsod na maaaring makahikayat ng mga turista.

Malaking bagay umano ang pagiging strategic location ng Lucena City kung saan daanan ng mga pasahero galing sa Bicol Region at maging sa Visayas.

“Because napaka-strategic ng Lucena. Galing Bicol hanggang Visayas pwede rin dumaan dito at mayroon tayong port,” saad ni Flores.

Kaakibat nito, inimbitahan ng city tourism officer ang Regional Director ng Department of Tourism – CALABARZON na si Marites Castro sa opening ng Pasayahan Village upang personal na mahingi ang opinyon sa hangarin na ito at makahingi na din ng suporta sa ahensiya.

Sa unang pagkakataon ay bubuksan ang Pasayahan Village ngayong Martes, Mayo 2, kung saan matatagpuan ang carnival rides, tiangge at mga food stalls.

Pin It on Pinterest