Pagiging Top 3 Most Improved Highly Urbanized City ng Lucena, masayang ibinalita ni Mayor Mark Alcala sa mga kawani ng LGU
Sa harap ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lucena City sa Regular Flag Raising Ceremony ng mga government employee sa Lucena City Government Complex nitong Lunes October 24, 2022, masayang ibinalita ni Lucena City Mayor Mark Alcala na ang Lungsod ng Lucena ay tumanggap ng pagkilala bilang isa sa tatlong awardees sa Most Improved Highly Urbanized City sa bansa na bunga raw ng pagsusumikap ng lahat ng nasa lokal na pamahalaan.
“Congratulation po sa ating lahat dahil tayo po ay Top 3 sa Most Improved sa category ng Highly Urbanized City, this is all because of our collective effort,” sabi ni Mayor Mark Alcala.
Sa 33 Highly Urbanized Cities sa buong bansa, itinanghal ang lungsod bilang Top 3 Most Improved Highly Urbanized City mula sa Department of Trade and Industry (DTI). Ang pagkilala ay personal na tinanggap ni Mayor Mark noong October 21, 2022.
Ito ay bilang bahagi ng ika-10 taong anibersaryo ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).
Ang programang ito ay taunang ranking para sa Most Competitive Cities and Municipalities sa bansa.
Sa pagkilalang ito sa siyudad ay pinasalamatan ng batang alkalde ang bawat isa sa pagtitiwala sa kasalukuyang administrasyon.
“Maraming maraming salamat sa pagtitiwala sa bawat isa sa inyo dito sa ating administrasyon hopefully next year mas tataas pa po tayo.” dagdag pa ni Mayor Mark.
Samantala, makalipas ang isang daang araw na pagseserbisyo sa ilalim ng pamunuan ng bagong ama ng Lucena City, tapos na raw ang honeymoon stage, sinabi ni Mayor Mark sa lahat ng kawani na parating maging handa at mas dagdagan pa ang dedikasyon sa pagseserbisyo.
“Always be ready, always be improved, maraming maraminng salamat.” ayon kay Mayor Mark Alcala