News

Pagkakabit ng CCTV sa mga establisimyento, proteksyon at solusyon sa iba‘t ibang isyu sa Lucena City

Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang ordinansa na maglagay ng closed circuit television o CCTV cameras ang mga establisimyento sa naturang lungsod.

“Successful naman po nung nakaraang session po natin naaprubahan bale ano na siya for this year meron tayong na-accomplish na batas para po sa ating mga CCTV cameras. Ordinansa na siya we just waiting for the signature of the chief executives sa atin po Mayor Kuya Mark Alcala”.

Inihain ni Konsehal Benito “Baste” Brizuela Jr., ang “Ordinance Requiring All Private-Business Establishment to install CCTV Cameras” matapos na inirekomenda ng dating hepe ng Lucena PNP na si PLTCOL. Reynaldo Reyes dahil makatutulong daw ito sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapayapaan ng mga Lucenahin.

“Malaking bagay itong makakatulong sa atin pong mga kababayan sa atin pong citizens of Lucena”.

Noon pa man, hindi maikakaila na malaki ang kontribusyon ng mga CCTV footage para makuha ang hinahangad na hustiya para sa mga biktima ng krimen at ng mga taong wala talagang kasalanan.

Tulad ng pagpuksa sa mga nangyayaring kriminalidad sa ating lipunan, ang paglalagay ng mga CCTV camera sa loob at labas ng mga establisimyento ay isang napakahalaga at mabisang ebidensiya para matukoy agad ang totoong nangyari at sino ang dapat managot sa anumang insidente tulad ng pagnanakaw, aksidente sa kalsada at iba pa.

Sa pamamagitan ng instalasyon nito, patuloy na naka-record ang kaganapan sa bawat establisimyento.

“The design kasi is for the highly risk areas mga establishment na medyo mataas ang cases of accidents, crime kaya natin to pinasa para ma-prevent yon definitely it’s a preventing crime well mabilis na pagresolba ng mga aksidente mga ganong example even if terrorism”.

Pin It on Pinterest