Paglilingkod ni Jesse Robredo Inalala ni Konsehal Manong Nick Pedro
Inalala ni Manong Nick Pedro, Konsehal ng lungsod ng Lucena, sa kanyang pribilehiyong pananalita sa Sangguniang Panglungsod ng Lucena, ang naging liderato ng yumaong Jesse Robredo na miyembro ng gabinete ni yumao na ring Presidente Noynoy Aquino at asawa ng ngayo’y bise presidente Leni Robredo.
Tinukoy ni Manong Nick ang liderato ni Jesse Robredo ng panahong ito ay alcalde ng lungsod ng Naga, na kinakitaan ng modelong pamumuno sa bansa.
Ayon kay Konsehal Pedro ay naging kahanga-hanga sa kanya ang liderato ni Jesse Robredo.
“Nasundan ko ang liderato nito mula sa ‘tsinelas leadership’ sa kanyang siyudad, pati na sa mga palatuntunan para sa mga kaliliitan sa tabi ng mga kailugan, serbisyo sa kalusugan, kabuhayan, pagtataas ng kaalaman at kasanayan ng karaniwang tao, at marami pang iba! Sa tamang pagkakataon ay gagamitin kong halimbawa ang mga kuwento ng uri ng liderato ni Ka-Jesse!”
Si Jesse Robredo ay namatay sa isang plane crash ilang taon na ang nakararaan, habang naglalakbay tungo sa pag-ganap ng tungkulin bilang noo’y sekretaryo ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Gayunmay higit na naging matingkad ang klase ng pamumuno ni Robredo sa panahong siya ay punong lungsod ng Naga City. Bunsod ito ng makataong paglilingkod sa kanyang mamamayan.
Ayon kay Manong Nick ay masugid siyang tagahanga ng kabiyak ni VP Leni na si Ka-Jesse Robredo.