News

Paglilipat ng bus terminal sa labas ng poblacion ng Infanta, pinag-aaralan

Pinag-aaralan ng lokal ng pamahalaan ng Infanta, Quezon at isang bus company ang posibleng paglilipat ng terminal ng bus sa labas ng poblacion.

Ito ay upang maiwasan umano ang naidudulot na pagbigat ng daloy ng tuwing may aalis at papasok na mga bus sa terminal lalo na tuwing rush hour at maiwasan din ang nararanasang ingay o noise pollution ng mga katabing-kabahayan ng terminal.

Tinalakay ang usapin na ito sa naging pagpupulong sa pagitan ng pamunuan ng MRR Transport Inc at LGU Infanta nitong Miyerkules.

Sa kabilang banda, isa naman sa tinitingnan sa panukalang ito ay lagay ng mga pasahero na mapapalayo sa terminal kung mailalapat sa karatig-barangay o labas ng poblacion.

Sa huli ay napagkasunduan sa naging pagpupulong na kailangang magpasa ng proposal ang pamunuan ng naturang bus company sa lokal na pamahalaan upang mas higit pang mapag-aralan ito at makabuo ng istratehiya na makikinabang ang bawat isa.

Pin It on Pinterest