News

Pagpapasok ng mga kakataying baboy sa Quezon, Quezon, ipinagbabawal

Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na African Swine Fever na isang malaking banta sa industriya ng baboy kung saan ang sakit na ito ay walang lunas at wala ring bakuna na pangkontrol sa paglaganap nito.

Inilabas ang Executive Order No. 056, Series of 2022 ng bayan ng Quezon, Quezon na ipinagbabawal na ang pagpapasok ng mga kakataying baboy mula sa ibang bayan gayundin ang mga produktong mula o gawa sa karneng baboy.

Ito ay upang maprotektahan ang mga lokal na nag-aalaga at nagpapalaki ng mga baboy o Local Hog Raisers para sa kanilang kabuhayan.

Marami din umanong supply ng baboy sa nasabing bayan kaya’t nagkaroon ng pagpupulong at napagkasunduan ang pagsasara ng border sa Brgy. Mascariña upang bigyang daan na maibenta ng mga backyard hog raiser ang kanilang alagang baboy.

Samantala, magsasagawa ng inspeksyon ng mga bagahe sa mga pampasaherong bangka mula sa Gumaca, Quezon at iba pang maliit na bangka mula sa ibang bayan na pagtutulungan ng Municipal Agriculture Office, Quezon Municipal Police Station, Disaster Risk Reduction Management at Rural Health Unit.

Kinakailangan ding magparehistro ang mga nagpapalaki o nagaalaga ng baboy at dapat magsumite ng listahan ng kakatayin at inaalagaang baboy sa bayan ng Quezon, Quezon.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagkakatay sa linang at hinihikayat ang lahat ng magkakatay na kumuha ng kaukulang permit upang magpatuloy ang kanilang operasyon.

Pin It on Pinterest