News

Pagsisikap ng Pamunuan ng Isang Barangay, Hinangaan ni Konsehal Manong Nick Pedro

Hinangaan ni Manong Nick Pedro, Konsehal ng Lungsod ng Lucena, ang pagsisikap ng pamunuan ng isang barangay sa lungsod upang matulungan ang ilang residente nito sa pagmamay-ari ng lupa.

Ganitong pagsisikap aniya ang dapat suportahan ng husto.

“Alam mo ang mga ganitong effort ay talaga dapat sinusuportahan ng husto, kasi nga buhay at bahay ito,” sabi ni Konsehal Manong Nick.

Sinabi ito ni Konsehal Manong Nick sa panayam sa kapitan ng Barangay 10 kaugnay sa pag-alalay ng lokal na pamahalaan upang mabili sa bangko ang lupang kinatitirikan ng bahay ng ilang residente nito.

Babayaran man ito ng hulugan ng mga residente ngunit ayon kay Manong Nick ay malaking pag-asa ang dulot nito.

“Pero at the very least, ‘yung pag-asa nandun na, para bang ikaw ay kumuha ng appliances na hindi ka maaprubahan nung una, pagkatapos ng dumating sa iyo, ayun nag-adhika ka para mahulugan at maging sa iyo,” saad ni Konsehal Manong Nick.

Dagdag pa ng konsehal na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mismong mga residente nito ay nagawang mailaan ang tulong sa sadyang nangangailangan.

Pin It on Pinterest