Pagsugpo sa rabies tuloy tuloy sa Lalawigan ng Quezon
Patuloy ang pamahalaang panlalawigang ng Quezon sa aktibidad nito kontra sakit na Rabies. Ayon sa Animal Bites Center ng Quezon Medical Center ay hindi bababa 40 pasyente araw araw ang kanilang nase-serbisyuhan na nakakagat ng mga hayop, na kadalasan at aso at pusa, na maaaring magdala ng sakit na rabies. Nagsasagawa rin ng pagbabahagi ng impormasyon sa mga kliyente ng Animal Bite Center ang mga kawani nito upang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa sakit na rabies at kung paano makakaiwas sa sakit.
Sa mga nakaraang bandilyo ay nabanggit ng Integrated Provincial Health Office na sa kanilang tala ay may ilang bayan pa rin sa lalawigan ng Quezon ay may mga kaso ng rabies.
Target naman ng pamahalaang nasyunal na maging rabies free ang buong bansa sa taong 2020 kaya puspusan ang panghihikayat nito sa mga lokal na pamahalaan na itaguyod ang kapanya laban sa rabies.