Pagsusuot ng face mask ng mga bata sa paaralan ituloy ayon sa ilang magulang
Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng COVID-19 case sa bansa dapat pa rin daw manatili para kay Rhea na isang magulang ang pagsusuot ng facemask ng mga bata habang nasa loob ng paaralan.
“Kung siguro 100% na yung nababakunahan para din makahinga yung mga estudyante na hindi na nagpe-face mask. Sa ngayon hindi pa po kasi yung anak ko katulad niyan vaccinated na sila paano yung the rest na hindi mo rin naman mapilit kung may kumplikasyon kaya okay lang nag magface mask pa”, S saad ni Rhea.
Pabor din si Aling Nenita na dapat tuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask ng mga mag-aaral bilang proteksyon sa kanila lalo na’t may pandemya pa ring kinakaharap ang bansa.
“Oo naman, syempre para sa pag-iingat at kaligtasan pati ng ating mga anak natin”, pahayag ni Aling Nenita.
Kung ang Mamang ito ang tatanungin hinggil sa usapin…
“Kung ano ang ipinaiiral ng batas”.
Una nang inirekomenda ng Phi¬lippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang patuloy na pagsusuot ng face masks ng mga bata habang nasa loob ng mga paaralan para maiwasan na mahawa sila ng COVID-19 at hindi magkaroon ng seryosong mga kumplikasyon.
Sa kabila nito, ipatutupad naman ng DepEd ang Department Order 48, na ginagawang boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor ng mga paaralan base na rin sa Executive Order No. 7 ng Malacañang para sa optional face masks.