Pagtaas ng bilang ng Flora at Fauna, naobserbahan sa protected area sa Guinayangan, Quezon
Naobserbahan ang pag taas ng bilang ng Flora at Fauna sa biodiversity monitoring sa Maulawin Spring Protected Landscape (MSPL) sa Guinayangan, Quezon para sa unang quarter ng 2023.
Ang mga kawani ng Protected Area Management Office (PAMO) sa MSPL ay nagsagawa ng mga aktibidad sa Biodiversity Monitoring System (BMS) sa loob ng itinatag na 14 stations at transect na matatagpuan sa Strict Protection Zone at Multiple-Use Zone ng nasabing protected area.
Nilalayon ng BMS na i-improve ang impormasyong magagamit para sa mga decision-makers sa protected areas sa pamamagitan ng regular na pagkolekta ng data sa mga natural biological resources at ang kanilang paggamit.
Nais nito ng tukuyin ang mga trends sa biodiversity at paggamit nito upang gabayan ang kilos sa pamamahala ng protected area.
Kabilang sa mga pamamaraan na ginamit ng BMS composite team ay isang transect walk, field diary, photo documentation, at pagtukoy ng environmental conditions.
Alinsunod dito, ang mga resulta ng isinagawang monitoring sa mga established transect routes ay nagsiwalat ng pagtaas sa bilang ng mga flora o mga species ng halaman, habang ang fauna o mga species ng hayop ay tumaas din mula 59 hanggang 85 species.
Bukod dito, ang mga nanganganib na species ng wildlife ay naobserbahan pa rin na lumalago sa protected area.
Samantala, ang susunod na aktibidad ng Biodiversity Monitoring System sa protected area ay isasagawa sa huling quarter ng 2023.