Pagtatayo ng 3-palapag na dormitoryo sa SLSU-Gumaca, sinimulan na
Sinimulan na ang pagtatayo ng 3-palapag na dormitoryo sa Southern Luzon State University – Gumaca nitong Martes.
Ang gusali ay kayang mag-accomodate ng higit sa isang daang occupants kabilang ang mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan.
Pinangunahan nina Governor Helen Tan at Congressman Mike Tan ang groundbreaking ceremony na dinaluhan ng mga estudyante at pamunuan ng Southern Luzon State University, Gumaca Mayor Webster Letargo at kinatawan mula sa DPWH.
Ayon sa Quezon Provincial Government, makatutulong ang proyekto upang maibsan ang pang araw-araw na pasanin ng mga mag-aaral na nagmumula pa sa mga malalayong lugar.
Sinabi ni Governor Tan na bagama’t libre ang tuition fee sa isang state university, marami pa ring gastusin ang kinakaharap ng isang mag-aaral kabilang ang pagkain, libro, transportation, at tirahan.
Pinondohan ang naturang proyekto sa pamamagitan ng opisina ni Senator Risa Hontiveros sa inisyatibo nina Governor Helen Tan at Congressman Mike Tan.