News

Pagtatayo ng kauna-unahang white copra processing central sa Tagkawayan, sinimulan na

Inumpisahan na nitong Miyerkules ang pagtatayo ng kauna-unahang white copra processing central sa bayan ng Tagkawayan, Quezon.

Makasaysayan ang naging groundbreaking ceremony sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang 10.6 million pesos para sa facilities and equipments na popondohan sa pamamagitan ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).

Sa mensahe ni Quezon Governor Dra. Helen Tan, isa sa mga pangunahing may-akda ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, sinabi nito na itinulak niya na Quezon Province ang isa sa mga maging unang benepisyaryo ng batas.

Iginawad ang White Copra Processing Central sa Sama-Sama sa Kaunlaran Multi-Purpose Cooperative na siyang mangangasiwa sa proyekto.

Inaasahan na sa pamamagitan ng processing center ay matutulungan ang mga coconut farmers na makagawa ng de-kalidad na kopra na magbibigay-daan sa magandang kita sa mga magsasaka.

Ang Coconut Farmers and Industry Development Act o ang Republic Act 11524 ay isang 50-year program na idinisenyo upang matulungan ang mga magsasaka ng niyog ng bansa. Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay makakatanggap ng mga pasilidad na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Pin It on Pinterest