News

Pamahalaang Bayan ng Lucban magdadaos ng public forum hinggil sa nararanasang water shortage

 

Kaugnay nang nararanasang kakulangan ng suplay ng tubig sa bayan ng Lucban, nakatakdang magdaos ang pamahalaang bayan ng public forum sa harap ng munisipyo sa darating na Setyembre 20, Biyernes, alas singko ng hapon.

Sa facebook post ni Mayor Olivier Dator, inaanyayahan niya ang mga Lucbanin na makiisa sa talakayan hinggil sa nararanasang pagkawala ng tubig sa munisipalidad. Magpi-presenta rin ang pamahalaang lokal ng mga On Going Action Plan and Program upang masolusyunan ang water shortage.

Hinihikayat din ng alkalde na makibahagi sa gaganaping pambayang pagdinig ang lahat ng nagrereklamo upang malaman ang 20 yrs long term para sa patubig at makapagbigay na rin ng suhesyon sa mga programang ginagawa ng local government unit.

Samantala, ayon sa ilang mga residente may mga barangay sa bayan na ilang araw nang walang tubig habang inirereklamo naman ng ilan na hindi na nakararating sa kanilang barangay ang rasyon ng tubig ng munisipyo.

Pin It on Pinterest