News

Pamahalaang panlalawigan ng Quezon nagsagawa ng oryentasyon para sa mga coordinators ng Q1K

Nagasagawa ng oryentasyon ang mga coordinators ng mga bayan sa lalawigan ng Quezon para sa programang Quezon’s First 1000 days of Life. Isinagawa ito sa Bulwagang Kalilayan, kahapon, araw ng Miyerkules, Setyembre a-bente siyete. Dinaluhan naman ito ng mga Municipal Coordinators ng iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Quezon at ang mismong Q1K Coordinators ng pamahalaang panlalawigan. Pinag-usapan sa oryentasyon ang mga dapat gawin upang mas makapagsilbi sa mga kababayang Quezonian na nasa ilalim ng programa. Nagbigay din ng mga paalala at bilin si Quezon Gov. David Suarez sa mga nagsidalo upang lalong mas maging epektibo ang Q1K program ng pamahalaan.

Ang Quezon’s First 1000 Days of Life Program ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ay naka-focus sa kapakanan ng mga ina at sanggol sa sinapupunan nito. Sa ilalim ng programa ay gagabayan ng mga kawani ng pamahalaan ang mga ina upang mapangalagaan ang kanilang mga sanggol hanggang sa umabot ito ng ika-isang libong araw o halos dalawang taong gulang. Base sa pag-aaral ng pamahalaan ay mahalaga ang unang isang libong araw na ito ng bata upang maging malusog at produktibong mamamayan ang mga ito pagdating ng panahon.

Pin It on Pinterest