Pamamaraan ng Pagtatanim Gamit ang Hydroponics Technology
Ibinagi ni Lucena City Agriculturist Ms. Mellissa A. Letargo ang kanilang pamamaraan sa pag gamit ng Hydroponics Tecnology na kung saan hindi na kailangang gumamit ng lupa upang makapag patubo ng gulay, ito ay inihayag sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick.
Sinabi ni Letargo ang mga kakailanganin sa pag sisimula ng Hydroponics Farming gaya ng mga Styro box na mabibili mo lamang sa mga fruit vendors sa murang halaga.
”Usually po ito ay binibili sa mga fruit stores/stands, usually po ay nag re-range sya from 10 to 20 pesos per box.”
Aniya, ang unang proseso na ginagawa nila sa Hydroponics Farming ay ang pag papatubo muna sa sowing tray ng unang sibol na dahon bago ito ilipat muli sa panibagong lagayan na mayroong water solutions na mag sisilbing panaba.
“Ilalagay po natin doon sa ating growing box na merong water with nutrients solutions, so after 10 to 15 days lumabas na po yung true leafs, ita-transfer na po natin siya doon sa plastic cups na may mga butas.”
Dagdag pa ng Lucena City Agriculturist na lahat ng klase ng pananim ay pwede gamitan ng Hydroponics Technology maliban sa mga halamang gumagapang dahil ito ay kinakailangan pa ng pampatibay.
Sa pag tatanim daw gamit ang Hydroponics Farming, kinakailangan na hindi ito malulunod sa pataba, 1/2 inch lang daw ang tamang babad nito sa tubig. Isa pa daw na dapat isa isip tuwing gagamit ng Hydroponics Technology ay ang palagiang pag check para malaman kung ang ugat nito ay abot pa ba ng water nutrients solutions.