News

Pangalawang batch ng mga guro dumalo sa Quezon Educators’ Research Convention

Sa patuloy na selebrasyon ng Niyogyugan Festival ngayong taon at pagkilala sa kabayanihan ng mga guro, isinagawa sa Quezon Convention Center ang ikalawang araw ng Quezon Educators’ Research Convention na dinaluhan ng higit 8,000 na mga guro mula sa una at ikatlong distrito ng lalawigan. Pinangunahan ni Gov. David Suarez, Vice Gov. Samuel Nantes, mga kawani mula sa sektor ng lokal at nasyonal na pamahalaan, mga board members at panauhing tagapagsalita na si Dr. Allan De Guzman mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas ang pagpupulong sa libong mga guro.

Sa mensahe ni Gob. Suarez, pinasalamatan ang mga guro sa kanilang pagdalo at pakikibahagi sa pagdiriwang. Pinasalamatan din ng gobernador ang mga ito sa kanilang dedikasyon sa trabaho na siyang naging bahagi ng pagkakaroon ng mga matatalino at mahuhusay na Quezonian sa lalawigan makikita anya ito sa kasalukuyan sa pagiging malikhain sa pamamagitan ng kanilang mga booths sa Niyogyugan Festival.

Pin It on Pinterest