News

Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Quezon Province, suportado ang HAPAG Program ng DILG

Buo raw ang pagsuporta ng Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Lalawigan ng Quezon na si Sangguniang Panlalawigan Board Member Ireneo Boyong Boongaling sa programa ng Department of the Interior and Local Government o DILG na Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay o HAPAG.

Ito ang sinabi ni Bokal Boongaling sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.

“Lagi namang kung ano naman ang ibaba ng ating minamahal na DILG Benhur Abalos at ang ating Provincial Director, nakasuporta naman po tayo hindi naman pwepwedeng anohin kung ano yung kanilang Memorandum ng Quezon suportado sa ikabubuti at ikaaayos ng ating lalawigan”.

Layunin kasi ng programa na mapalakas ang kapasidad ng mga barangay upang mapanatili ang kanilang inisyatibong pang-agrikultura.

Ayon sa Pangulo ng mga Liga ng Barangay sa Quezon, suportado niya ang programang ito ng DILG lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Ako mismo ay susuporta kasi mahirap na ang buhay kasi malaking bagay na makapagtanim ng pechay kung ano ano mga dyan sa ating tabing bahay may madudukot tayo at may maisasahog tayo sa ating hapag-kainan”.

Ang programa ay humihimok na magkaroon ng mga gawaing pang-agrikultura ang mga barangay at hinihikayat ang sambayanang magtanim ng mga sariwang prutas at gulay sa kanilang mga lote.

Isa rin sa nais maabot ng programang ito ay upang masolusyonan ang kagutuman at masiguro ang food security sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga sariwang prutas at gulay.

Pin It on Pinterest