News

Panimulang Pangkabuhayan Para sa Kabataan, inilunsad sa bayan ng Guinayangan

Inilunsad kahapon, June 8, 2023 sa bayan ng Guinayangan, Quezon ang Panimulang Pangkabuhayan Para sa Kabataan (3PK) Business Improvement and Development Assessment (BIDA) Youth Project na pinangunahan ni Quezon 4th District Representative Congressman Atorni Mike Tan.

Sa paglunsad ng programang ito ay ipinamahagi ang panimulang puhunan na nagkakahalaga ng P20,000 sa bawat grupo na kwalipikado kabilang dito ang grupo ng mga kabataan mula sa District 1, Aloneros, District 4, Set B, Set C, Set D, Poblacion 1, Poblacion 2, at Poblacion 3.

Dumalo sa launching ang Bokal ng ikaapat na Distrito Harold D. Butardo, Provincial Director DTI – Quezon Mrs. Julieta L. Tadiosa, DTI – CFIDP Project Coordinator Mr. Lawrence Joseph Velasco, at ang buong pwersa ng Pamahalaang Bayan.

Ayon sa pahayag ni Congressman Tan sa mga kabataan sinabi nito na sipagan at sana ay maging matagumpay sa bayan ng Guinayangan ang nasabing programa.

Dagdag pa ng Congressman na hindi umano basta-basta iiwan ang mga kabataan, aalagaan at makakasama sila hanggang dulo.

Pinasalamatan din niya ang LGU Guinayangan na naging katuwang upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Pin It on Pinterest