News

Panukalang Blue Card Program ng Plaridel Quezon, hindi nakalusot sa 2nd reading ng SP Quezon

Hindi nakalusot sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isinusulong na ordinansya sa Bayan ng Plaridel upang maging lokal na batas ang pagkakaron sa bayan ng blue card program.

Sa naging deleberasyon sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon umaga ng Jan. 30, 2023, kinuwestiyon ni 2nd District Board Member Ferdinand ‘’Bong Talabong ang Municipal Ordinance No. 04-2022, Series of 2022 of the Sangguniang Bayan of Plaridel, An ordinance establishing the Guidelines for the implementation of Blue Card System Program as sytem in extending financial, medical and other assistance to Indigents and other qualified individuals in the Municipality of Plaridel, Quezon na ipinasok sa Plenaryo ni Majority Floor Leader 4TH District Board Member Isaias Ubana.

Ang blue card ay para sa mga rehistradong botante ng naturang bayan.

‘’apparently po if you are resident voter of Plaridel if you availing of services of Municipality of Plaridel Government according to them it will be easier if the individual already has a blue card to show proof that is a voter ang resident so because of that it well be mediately avail of all services,” ang Sabi ni Majority Floor Leader 4TH District Board Member Isaias Ubana.

Sabi ni Talabong, baka raw magamit ang naturang uri ng card sa pampulitikang layunin, sabi pa ng opisyal ng pamahalaang panlalawigan dapat daw maging maingat sila sa pagpapasa ng ganoong panukala.

‘’That this card that will not be used for any political or individual purposes Mr. Presiding officer because I think a maybe I will address this to happened to a member of a Sangguniang Panglungsod ng Lucena I Think a there is no ordinance o resolution supporting this a kind of card, so let us be careful with this a appellation card because this might be a bring a problem for purposes of a political purposes so if this ordinance will push through at least let us put some a precaution that this kind of appellation card or what ever will not be used for political purposes,’’ ang sabi ni Bokal Bong Talabaong

Ayon kay Ubana base sa panukala layunin lamang daw ng naturang Blue card program na maging mabilis ang pagtukoy ng lokal na pamahalaan ng Plaridel sa pagbibigay sebisyo sa indigent at iba pang nangangailan na mga residente ng bayan.

Tanong pa ni Talabong hindi ba nito masasagasaan yung mga dapat na serbisyo para naman sa mga hindi blue card holder?

Sa huli napagkasunduan, na ibalik sa Sangguniang bayan ng Plaridel Quezon ang naturang propose ordinance para sa proper amendments at iba pa.

Pin It on Pinterest