News

Panukalang ordinansa na magkaroon ng Urban Gardening ang mga barangay sa Lucena City, isinusulong

Naghain si Konsehal Patrick Norman Nadera committee on Agriculture and People’s Participation ng isang panukalang ordinansa na Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay.

Ang ordinansang ito ay naglalayon na magtanim sa mga bakanteng lote o lupa ang mga mamamayan sa nasasakupan ng bawat barangay.

Kung saan maaari nilang ibenta ang mga ani nito sa kanilang mga kabarangay sa mas mababang presyo.

Para naman sa mga barangay na walang bakanteng lote na mapagtataniman ay maaaring gumamit ng ibang pamamaraan sa pagtatanim tulad ng Hydroponics.

Ang Hydroponics ay isang paraan ng pagtatanim ng walang lupa bagkus ginagamitan ito ng mineral nutrient solution sa tubig.

Handa naman umanong umasiste ang City Agriculture Office sa bawat barangay para sa karagdagang kaalaman sa pagtatanim.

“upon asking po sa ating City Agriculturist Office, they are willing to provide some seminars and workshops regarding sa iba’t ibang method po ng pagtatanim na magiging applicable sa kanilang barangay”, sabi ni Konsehal Patrick Norman Nadera.

Samantala, ayon naman kay Konsehal Manong Nick Pedro Jr. natitiyak niyang maganda at malaki ang maitutulong nito para sa kumunidad.

“Salamat po, natitiyak ko po na malaki ang magagawa nito para sa ating mga kumunidad”, pahayag ni Konsehal Manong Nick Pedro Jr.

Pin It on Pinterest