News

Panukalang ordinansa para sa tamang sukat ng mga sidecar sa lahat ng tricycle, isinusulong sa Pagbilao, Quezon

Isinusulong ngayon ni Konsehal Manny Luna, Chairman ng Committee on Transportation and Communication sa Sangguniang Bayan ng Pagbilao, Quezon ang panukalang ordinansa para sa tamang sukat ng mga sidecars sa lahat ng tricycle sa munisipalidad.

Ang naturang panukala ay may titulong “An ordinance prescribing the dimensions of the sidecars of all tricycle for hire operating within the territorial jurisdiction of the municipality of Pagbilao”.

Ayon kay Konsehal Luna, ang panukalang ito ay bilang pagtugon sa mga reklamong ipinarating sa kanya ng mga commuters o mananakay ng mga pampasaherong tricycle dahil sa hindi tamang sukat ng mga sidecars ng tricycle sa kanilang bayan upang maging komportable ang mga ito.

“Yung tungkol doon sa tamang dimensions nung sidecar ng mga tricycle na pampasahero dito sa bayan ng Pagbilao, meron kasing reklamo na nakarating sa atin tungkol doon sa size doon sa taas ng bubong sa taas nung flooring kasi may mga tinatawag tayong lowered sidecars na tinatawag natin kasi may mga nakikita tayo suko nga yung bubong, tapos maiksi yung upuan, mababa yung upuan nahihirapan at nagrereklamo yung ilang senior citizens natin at tsaka hindi lang yung ating mga senior kundi pati yung mga adults at commuters.”

Bukod sa pagiging komportable ng mga mananakay nais niya ring matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay sa bayan.

Sa ilalim ng panukala ni Luna, sa oras na ito ay maging ganap na ordinansa sa naturang bayan oobligahin ang lahat ng mga tricycle driver na sumunod sa tamang sukat ng kanilang sidecar bago sila makakuha ng prangkisa sa lokal na pamahalaan.

“Ang isa ngang layunin natin dito kung sakaling maipasa ito ay gagamitin natin ito, itong mga sukat na nakalagay sa ordinansa na requirement bago mabigyan ng prangkisa oobiligahin sila na tama dapat yung sukat para maisyuhan sila ng prangkisa ng ating Pamahalaang Bayan.”

Nitong Huwebes, March 2 pinulong ng Committee on Transportation ang komitibang hinahawakan ni Luna ang iba’t ibang konsernadong ahensya, stakeholders, mga TODA at iba pa upang maresolba ang nasabing reklamo ng mga commuters.

Pin It on Pinterest