Papatayin ng STL and Jueteng –DOJ Sec. Vitaliano Aguirre
Pinapalakas ng kasalukuyang administrasyon ang operasyon ng STL o Small Town Lotter upang mapatay ang jueteng, isang numbers game na kahalintulad ng STL. Ayon kay Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre may mga nag-o-operate pa rin ng jueteng sa bansa pero ito anya ay parang guerilla operation na lamang. Binanggit din ni Aguirre sa exclusive interview ng Bandilyo TV na maituturing din anyang jueteng ang operasyon ng Miridien Vista Gaming Corporation na nakabase sa Sta. Ana sa Cagayan De Oro.
Sa nakaraang panahon ayon pa kay Aguirre ay kakaunti lamang ang mga lugar sa bansa na may pahintulot na mag-operate ng STL. Binanggit naman ng Justice Secretary na dahil sa pagpapalakas nito ay mayroon nang mahigit limampung may pahintulot na STL operation at inaasahang aabot ito ng higit pang 90 operations sa buong bansa bago matapos ang taon.
Naging laman ng mga pahayagan, radyo at TV si Aguirre at Charlie Atong Ang makaraang paratangan ni Ang si DOJ secretary Aguirre at ilang dati at kasalukuyang opisyal na nais siyang ipapatay. Isiniwalat din ni Ang na gusto daw ng grupo ng hindi pinangalanang mga opisyal ng pamahalaan na makopo ang operasyon ng STL sa buong bansa kaya nais ng mga itong ipatigil ang operasyon ng Meridien Vista Gaming sa Cagayan na pinamamahalaan ni Atong Ang.