Para sa pagpapataas ng produksyon, mga magsasaka ng mangga sumailalim sa pagsasanay
Sumailalim sa training ang nasa tatlumpong magsasaka sa Technology Demonstration on Harvesting of Mango sa Masalukot I, Candelaria, Quezon sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist katuwang ang Pamahalaan ng Lalawigan ng Quezon. Layunin nitong mapaunlad ang produskyon ng mangga sa lalawigan upang matulungan ang mga magsasakang magkaroon ng malawak na produksyon at mataas na kita na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Ibinahagi ni Ferdinand A. Pio, Purchasing Manager ng KLT Fruits, Inc., ang mga bagay na isinasaalang-alang ng isang kumpanya sa pagkuha ng mga mangga gayundin ang mga oportunidad sa pagkakaroon ng merkado sa loob at labas ng bansa pagdating sa demand nito.
Alinsunod dito ay isinagawa rin ang pagpupulong ng Quezon Mango Growers Association ukol sa pagsasaayos ng mga asosasyon sa bawat bayan gayundin ang mga plano at programang nais simulan ng mga ito.