News

Para sa tamang impormasyon, Batangas Province nagtalaga ng mga agents sa bawat opisina

Nagkaroon ng kauna-unahang pagpupulong ng mga information agents ng Batangas Provincial Capitol noong nakaraang araw sa People’s Mansion sa Batangas City. Binigyang-diin ni Provincial Information Office Officer-in-Charge Jenny Aguilera na ang pagpupulong ay para pormal na makapagtalaga ng contact person sa bawat tanggapan na makakapagbigay ng tamang impormasyon sa information office ng Batnagas para sa kaukulang diseminasyon ng impormasyon gamit ang iba’t ibang midyum tulad ng official social media accounts, programa sa radyo at mga pahayagan.

Nagpadala ng mga kinatawan sa meeting ang lahat ng tanggapan ng kapitolyo, kabilang ang mga tanggapan ng Board Members ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.

Layunin ng aktibidad na ito ay upang mas mapadali at mabilis ang pagkuha ng tamang impormasyon sa mga opisina ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kaya nagtalaga ang bawat departamento ng Batangas Provincial Capitol ng information agents o mga representante ng mga opisina na magiging opisyal na pagmumulan ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga programa, plano, aktibidad at iba pa.

Pin It on Pinterest