Pasaway na Traffic Enforcer Hindi Kukunsintihin
Hindi raw kukunsintihin ng pamunuan ng Traffic Division ng Lucena City ang sino mang miyembro nito na lumalabag sa batas trapiko o sa pagmamaneho ng sasakyan partikular sa mga single motorcycle lalo na sa hindi pagsusuot ng helmet.
Ayon kay Traffic Management Division Chief James De Mesa, “hindi po natin kukunsintihin ‘yan, sa totoo po, sa araw-araw na ginawa ng Diyos na panghuhuli namin lagi pong may helmet diyan.”
Sila na nanghuhuli ng mga violators sa lansangan ani De Mesa ay hindi exempted sa batas trapiko, “puwede kami hulihin ng High Way Patrol, ng LTO o ng PNP Lucena kung may magco-complain against us, magcomplain po kayo sa proper authority o kaya ay sa akin para po magkaroon ng linaw kung ito po ba ay totoo ay nagmomotor ng walang helmet.”
Simula palang daw ayon kay De Meza ay mahigpit na nyang itinagubilin sa kanyang mga tauhan na maging disiplinado, sumunod sa itinakda ng batas trapiko lalo na sa iyong mga nagmamaneho ng motor na magsuot ng helmet at sundin ang iba pang panunutunan.
Paghihikayat pa ng hepe ng Traffic Division na “on the spot po pumasyal po kayo sa akin para mabigyan po natin ng diciplinary action iyang mga ikino-complain ninyo particularly iyong mga personnel ng aming traffic.”
Sa inilabas na artikulo ng Bandilyo.ph tungkol sa panghuhuli ng mga traffic enforcer sa mga pasaway na motorcycle rider sa hindi pagsusuot ng helmet ay maraming komento sa social media na may ilang tauhan umano ng naturang ahensya ang nakikita na nagmamaneho ng walang suot na proteksyon sa ulo. Depensa rito ng kanilang hepe, maaring ang nakita nila ay ang mga crew ng mobile ng traffic division na minamaneho ang mga nahuling motorsiklo mula sa operasyon patungong opisina para sa safekeeping.
“Sa katanungan po ninyo na tungkol sa non wearing of helmet ng aking traffic enforcer personnel, ‘yan po ay matagal na pong reklamo sa aking mga personnel. Unang una nga po kahit papasok ng bahay ang aking personnel at pinipiktsuran (post) pa sa ating social media o ng sino mang concern na ‘yon na nagkakamali po sila. Ang mga traffic enforcer ko po ay well inform(ed) na sila ay magsuot ng helmet particularly kung sila ay nagmamaneho ng single motorcycle. Kung may nakikita po kayo dito na ilan na walang helmet particularly dito sa ating kabayanan, ito ay iyong nahuhuli nating motor na na-impound na naiipon ng ating mobile unit ito ay dinadala ng mga driver sa ating opisina for safe keeping, ang nakikita po ninyo yan po ‘yong mga crew ng mobile na hindi driver ng motor kaya lang po ay marunong sila magmotor kaya sila walang helmet ay crew na pinakisuyuan ng opisinang dalhin dito ng maayos ‘yong motor nilang na-impound.”